Thursday, February 10, 2011

Kakaiba itong araw na to

Lia: Ayaw ko si mommy!
Ako: Ayaw ko din sa iyo! Ayaw ko yung hindi sumusunod sa akin!
Lia: hhmmp...(nagpapaawa sa yaya)

Bakit may ganon? gusto ko lang naman gumising ng maaga, magayos ng mabilis bago pumasok sa school, pero may ganitong drama? ngayon pang araw na hindi rin maganda ang gising ko...

tanong ko sa sarili ko, nasaan ang patience, understanding, wondermom attitude? nawala : (
ang nagpapasaya ngayong araw sa akin? ang pangalawa kong anak na si ali, ang pagkapanalo ng azkals! at ang samsung galaxy tab na makukuha ko bukas...

--Wondermom A. (siguro pagtanda nitong anak ko, mas magaaway pa kami!)

P.S. tumawag ako kanina sa bahay at ok na kami ulit ni LIA, sabi ng yaya, 4 lang daw silang pumasok sa school dahil baka napagod sa field trip nila kahapon...ibig sabihin pagod lang pala ang anak ko kahapon at di niya masabi na pagod siya at gusto pa niyang magpahinga, ano ba kong ina? psychology graduate pa naman ako pero di nako nakakaintindi ng behavior? ano na nangyayari sa akin : (

No comments:

Post a Comment